Isaiah 52

1Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.

2Pagpagin mo ang mga alikabok mula sa iyong sarili; bumangon ka at umupo, Jerusalem; tanggalin mo ang kadena mula sa iyong leeg, bihag, na anak na babae ng Sion. 3Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kayo ay ipinagbili ng walang bayad, at kayo ay tutubusin ng walang salapi.”

4Dahil ito ang sinasabi ng Panginoon na si Yahweh, “Sa panimula ang bayan ko ay bumaba sa Ehipto para mamuhay doon pansamantala; kamakalailan lamang ay inapi sila ng Asiria.

5Ngayon, ano ang mayroon ako dito--ito ang pahayag ni Yahweh-- nakikita ko ang aking bayan na inilalayo ng walang dahilan? Humahagulgol ang mga namumuno sa kanila--ito ang pahayag ni Yahweh--ang aking pangalan ay patuloy na sinisiraan buong araw. 6Kaya makikilala ng aking bayan ang pangalan ko; malalaman nila sa araw na iyon na ako nga ang siyang nagsabi nito. Oo, ako nga ito!”

7Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!” 8Makinig kayo, ang inyong mga bantay ay nilalakasan ang kanilang mga tinig, sabay sabay silang sumisigaw sa kagalakan, dahil makikita nila, sa kanilang bawat mata ang pagbabalik ni Yahweh sa Sion.

9Magsimula kayong umawit ng sabay-sabay ng may kagalakan; kayong mga guho ng Jerusalem, dahil inaliw ni Yahweh ang kanyang bayan: tinubos niya ang Jerusalem. 10Inilantad ni Yahweh ang kanyang makapangyarihang kamay sa paningin ng lahat ng mga bansa; makikita ng buong daigdig ang pagliligtas ng ating Diyos.

11Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh. 12Dahil hindi kayo magmamadaling lumabas, ni aalis kayo nang may pagkatakot; dahil si Yahweh ang mangunguna sa inyo; at ang Diyos ng Israel ang magiging bantay sa inyong likuran.

13Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri. 14Gaya nang maraming nasisindak sa iyo--ang kanyang anyo ay pinapangit, kaya ang kanyang hitsura ay malayo sa anumang anyo ng tao--

kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.

15

Copyright information for TglULB